LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
http://wennchubz.blogspot.com
Lagom
a. Simulan ang lagom sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag-aaral, mga respondente, saklaw, limitasyon at panahon ng pag-aaral, pamamaraan at instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at informasyon at ang disenyo ng pananaliksik.
b. Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan ng pagbubuod ng importanteng datos
c. Huwag gumawa ng mga deduction, inference, at interpretasyon sa lagom dahil mauulit lamang ang mga iyon sa kongklusyon.
d. Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin sa lagom, lalung-lalo na yang mga pinagbatayan ng mga kongklusyon.
e. Ang mga datos ay hindi dapat ipaliwanag pang muli.
f. Gawaing maikli at tuwiran ang mga pahayag sa lagom.
g. Huwag magdaragdag ng mga bagong datos o informasyon sa lagom.

Konklusyon
a. Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at informasyong nakalap.
- b. Dapat masagot ng tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin ng Pag-aaral. Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga katanungang iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.
c. Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga faktwal na napag-alaman sa inkwiri.
d. Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implayd o indirekatang efekto ng mga datos o informasyong nakalap.
e. Gawing maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon, ngunit tandaang kailangang maihayag ang mga kailangang informasyong resulta ng pag-aaral na hinihingi ng mga tiyak o ispesifik na tanong sa Layunin ng Pag-aaral.
f. Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga mananaliksik na sila’y may pagdududa o alinlangan sa validiti at relayabiliti ng kanilang pananaliksik. Kailangang kung gayong iwasan ang mga salitang nagpapahayag ng walang-katiyakan tulad ng siguro, marahil, baka, at iba pa.
g. Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw, at panahon ng pag-aaral.
h. Ang mga kongklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag sa ibang bahagi ng pamanahong-papel. Samakatwid,ang isang diwang una nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa kongklusyon.
Rekomendasyon
a. Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa investigasyon.
b. Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman natuklasan o natalakay sa pag-aaral.
c. Bagama’t ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat isa’y maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan.
d. Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa individwal, pangkat, tanggapan, o institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.
e. Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapabuti ng mga iyon at/o mga hakbang o paraan kaugnay iyon.
f. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon, lokaliti, at populasyon upang maverifay, maamplifay o mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.
Source:
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. 2006. Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.
thanks sa info
TumugonBurahinthank you sa information.....amy god bless you...
TumugonBurahinang galing parang walang kapantay... salamat sa information...
TumugonBurahinSalamat! Organisado lahat.
TumugonBurahinthanks kaayo xa info.
TumugonBurahinmaraming salamat sa mga datos
TumugonBurahinmahusay na kunklusuon at reaksyon.okay din pakakasulat ng blog mo.Sakit.info check nyo eto.Sakit.info
TumugonBurahinsalamat po ng marami
TumugonBurahinSalamat sa impormasyong iyong ibinahagi. Isa rin ito sa nagbigay linaw sa akin paano ko uumpisahang gawin ang tsapter 5 sa aking pananaliksik.
TumugonBurahinIt end up being Very useful to me and I am certain to all the analysts here! 검증사이트
TumugonBurahinyhbjhhh
TumugonBurahinIS THIS LEGIT?
TumugonBurahin